Paggamit ng Peak Flow Meter
Sinusukat ng peak flow meter kung gaano ka kabilis huminga o magbuga ng hangin mula sa iyong mga baga. Sinasabi nito sa iyo kung gaano mo kahusay na kinokontrol ang iyong hika. Suriin ang iyong peak flow kung kinakailangan at kasing dalas ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Halimbawa, maaari itong isang beses sa isang araw. O maaari lang kapag sa palagay mo ay lumalala ang iyong mga sintomas.
Paano gamitin ang isang peak flow meter
Hakbang 1:
-
Ilipat ang marker sa 0. O ilipat ito sa pinakamababang numero sa sukatan.
-
Tumayo nang tuwid. Huwag yumukod. Kung hindi ka makatayo, umupo nang tuwid. Siguraduhin na nasa pareho kang posisyon sa tuwing magsusuri ka.
Hakbang 2:
-
Kung mayroon kang gum o pagkain sa iyong bibig, alisin ito.
-
Dahan-dahang lumanghap nang malalim.
-
Habang pinipigil ang iyong paghinga, ilagay ang mouthpiece sa iyong bibig, sa paggitan ng iyong mga ngipin. Isara nang mahigpit ang iyong mga labi sa paligid nito. Tiyakin na hindi hinaharangan ng iyong dila ang bukana.
-
Bumuga sa mouthpiece nang isang beses, nang malakas at kasing bilis na makakaya mo.
Hakbang 3:
-
Alisin ang metro sa iyong bibig.
-
Tingnan ang pananda. Lumipat na ito sa may bilang na sukatan. Isulat ang numerong ito.
-
Ilipat ang marker pabalik sa 0, o sa pinakamababang numero na nasa sukatan.
-
Ulitin ang pagsusuri nang 2 o higit pang beses.
-
Isulat ang iyong mga pagbasa sa bawat pagkakataon. Dalhin ang mga ito kapag magpapatingin ka sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Paghanap sa iyong pinakamahusay na pagganap
Ang iyong pinakamahusay na pagganap ay ang iyong pinakamataas na numero ng peak flow sa panahon ng 2 linggo kapag wala kang mga sintomas. Ipinapayo ng American Lung Association na ulitin ang mga hakbang na nasa itaas nang 3 beses, mas mabuti sa parehong oras bawat araw. I-record ang pinakamataas na numero. Inihahambing ang iyong iba pang mga resulta sa peak flow sa iyong pinamahusay na pagganap. Tumutulong ito sa iyo at sa iyong tagapangalaga na malaman kung ano ang iyong kalagayan sa mga araw na mayroon kang mga sintomas. Kasama rito ang kapag gumagamit ka ng Asthma Action Plan ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Upang malaman ang iyong pinahamahusay na pagganap:
-
Hakbang 1. Kung maaari, suriin ang iyong peak fllow 2 hanggang 3 beses bawat araw sa loob ng 2 linggo sa parehong oras bawat araw. Gawin it kapag wala kang anumang sintomas ng hika.
-
Hakbang 2. Isulat ang iyong mga pagbasa sa peak flow at ang iyong pinakamahusay na pagganap.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.