Impeksiyon sa Daanan ng Ihi ng Babae (Bata)
Mayroong impeksiyon sa daanan ng ihi ang iyong anak.
Madalas na hindi nananatili sa ihi ang bakterya. Kapag nangyari ito, maaaring maimpeksiyon ang ihi. Tinatawag itong impeksiyon sa daanan ng ihi (UTI). Nangyayari ang impeksiyon saanmang bahagi sa daanan ng ihi, mula sa kidney hanggang sa pantog at urethra. Ang urethra sa batang babae ay ang tubo na nag-aalis ng ihi mula sa pantog papunta sa bukasan sa harap ng puwerta.
Madalas na ginagamit ang impeksiyon sa pantog, UTI, at cystitis upang ilarawan ang parehong problema sa kalusugan. Ngunit hindi palaging magkapareho ang mga ito. Ang cystitis ay pamamaga ng pantog. Ang pinakakaraniwang sanhi ng cystitis ay ang impeksiyon.
Ang pinakakaraniwang bahagi para sa UTI ay sa pantog. Kapag nangyari ito, tinatawag itong impeksiyon sa pantog. Isa itong karaniwang impeksiyon sa mga bata. Karamihan sa mga impeksiyon sa pantog ay maaaring gamutin, at hindi malubha. Ngunit ang UTI ay maaari ding makapinsala sa mga kidney. Malala ang mga sintomas ng impeksiyon sa kidney. Mas malubha ang impeksiyon dahil mapipinsala nito ang mga kidney.
Mahahalagang punto na dapat malaman
-
Ang mga impeksiyon sa ihi o sa anumang bahagi ng daanan ng ihi ay tinatawag na mga UTI.
-
Kadalasang sanhi ng cystitis ang UTI.
-
Ang mga impeksiyon sa pantog ang pinakakaraniwang uri ng cystitis.
-
Hindi lahat ng UTI at mga kaso ng cystitis ay mga impeksiyon sa pantog.
-
Ang UTI ay maaaring magdulot ng impeksiyon sa kidney. Hindi ito gaanong karaniwan kaysa impeksiyon sa pantog.
-
Karamihan sa mga taong may impeksiyon sa pantog ay walang impeksiyon sa bato.
-
Maaari kang magkaroon ng impeksiyon sa kidney nang walang impeksiyon sa pantog.
Ang mga sintomas na mayroon ang iyong anak ay kadalasang nakadepende sa kanyang edad. Sa mga mas bata, hindi gaanong malinaw ang mga sintomas. Maaaring nahihirapan ang iyong anak na magsabi o magpakita sa iyo kung saan masakit.
Nagdudulot ang impeksiyon ng pamamaga sa urethra at pantog. Nagdudulot ito ng maraming sintomas. Ang mga pinakakaraniwang sintomas ng UTI ay:
-
Nakakaraamdam ng pananakit o panghahapdi kapag umiihi. Maaaring umiyak ang iyong anak kapag umiihi o ayaw umihi dahil sa sakit.
-
Maaaring yumuko ang mga babae kapag sinusubukang pigilin ang ihi
-
Mas madalasag ang pagpunta ng banyo kaysa karaniwan
-
Nakakaramdam ang iyong anak na kailangan niyang umalis kaagad
-
Kaunting dami ng ihi lamang ang lumalabas
-
Dugo sa ihi
-
Pananakit ng tiyan
-
Malabo, matingkad, matapang, o mabahong amoy ng ihi
-
Hindi nakakaihi ang iyong anak (pagpipigil ng pag-ihi)
-
Pag-ihi sa kama (hindi mapigil ang pag-ihi)
-
Lagnat
-
Ginaw
-
Pananakit ng likod
-
Nakakaramdam ng pagkamatampuhin
-
Pagkawala ng gana
Hindi naipapasa sa ibang tao ang UTI. Hindi ka makakakuha ng isa mula sa ibang tao, mula sa upuan sa banyo, o sa pagbabahagi ng paliguan.
Ang pinakakaraniwang sanhi ng mga impeksiyon sa pantog sa mga bata ay bakterya mula sa bituka. Maaaring makapasok ang bakterya sa balat sa paligid ng urethra, at pagkatapos ay sa ihi. Mula doon dadaloy ito patungo sa pantog. Nagdudulot ito ng pamamaga at impeksiyon. Pinakamadalas na nangyayari ito dahil sa:
Kabilang sa iba pang sanhi ang:
-
Hindi ganap naalis ang ihi sa pantog. Madalas na hindi nailalabas ang bakterya, kaya mabilis itong dumadami.
-
Pagtitibi. Maaaring maging sanhi ito ng pagtulak ng bituka sa pantog o urethra at pinipigilang maalis ang laman ng pantog.
-
Pagkatuyo ng tubig sa katawan. Hinahayaan nito na manatili ang ihi nang mas matagal sa pantog.
-
Ang pagkairita ng urethra mula sa mga sabon, mga bubble bath, o masisikip na damit. Mas pinadadali nito na magdulot ng impeksiyon ang bakterya.
Ang mga UTI ay nada-diagnose ayon sa mga sintomas at pagsusuri ng ihi. Ginagamot ang mga ito gamit ang mga antibayotiko at madalas na nawawala nang mabilis nang walang problema. Tumutulong ang paggamot na pigilin ang UTI na maging mas malubhang impeksiyon sa kidney.
Pangangalaga sa tahanan
Nagreseta ng mga antibayotiko ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak para sa impeksiyon. Ipainomin sa iyong anak ng mga antibayotiko hanggang sa maubos ang mga ito, maliban kung sinabihan ka ng tagapangalaga na ihinto ito. Dapat siyang uminom ng gamot kahit na bumuti ang kanyang pakiramdam. Ito ay para makatiyak na wala na ang impeksiyon.
Itanong sa tagapangalaga kung maaari kang magbigay ng acetaminophen o ibuprofen para sa pananakit, lagnat, o pagiging maselan. Huwag bigayn ng ibuprofen ang mga batang wala pang 6 na buwang gulang. Kung ang iyong anak ay may pangmatagalang (talamak) sakit sa atay o kidney , makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa tagapangalaga ng iyong anak kung nagkaroon ang iyong anak ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng pantunaw, o umiinom ng mga pampalabnaw ng dugo.
Huwag magbigay ng aspirin (o gamot na nagtataglay ng aspirin) sa isang batang wala pang 19 na taong gulang maliban kung itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong anak. Ang pag-inom ng aspirin ay maaaring ilagay sa panganib ang iyong anak para sa Reye syndrome. Bihira ito ngunit napakaseryosong karamdaman. Pinakamadalas itong nakakaapekto sa utak at sa atay.
Pag-iwas sa mga UTI
-
Turuan ang iyong anak na magpunas mula sa harap papunta sa likod pagkatapos gumamit ng banyo.
-
Bigyan ang iyong anak ng sapat na likido na iinumin upang maiwasan ang pagkatuyo ng tubig sa katawan at linisin ang pantog.
-
Pagsuotin ang iyong anak ng maluluwag na damit at damit-panloob na yari sa bulak. Tumutulong ito na mapanatiling malinis at tuyo ang bahagi ng ari.
-
Palitan ang nadumihang mga diaper o damit-panloob sa lalong madaling panahon. Tutulong ito na maiwasan ang iritasyon, na maaaring humantong sa impeksiyon.
-
Hikayatin ang iyong anak na umihi nang mas madalas. Sabihin sa iyong anak na huwag maghintay nang matagal bago umihi.
-
Bigyan ang iyong anak ng masusustansyang pagkain upang maiwasan ang pagtitibi. Kabilang sa mga ito ang mga sariwang prutas at gulay, maraming fiber, at kaunting sitsirya at matatabang pagkain.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, o ayon sa ipinayo. Lalo nang mahalaga ito kung mayroong impeksiyon ang iyong anak na paulit-ulit nangyayari.
Kung ginawa ang culture, sasabihan ka kung kailangan palitan ang paggamot. Maaari kang tumawag gaya ng ipinayo para malaman ang mga resulta.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Hindi nagsisimulang gumaling ang iyong anak pagkatapos ng 24 na oras ng paggamot
-
May ilang sintomas ang iyong anak pagkatapos ng 3 araw ng paggamot
-
Lagnat (tingnan ang "Lagnat at mga bata" sa ibaba)
-
Masakit na tiyan (pagduduwal), pagsusuka, o hindi mapababa ang mga gamot
-
Pananakit ng tiyan o likod
-
May lumalabas sa pwerta
-
Pananakit, pamamaga, o pamumula sa labas na bahagi ng puwerta (labia)
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang maingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang mga patnubay upang alamin kung may lagnat ang iyong maliit na anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero para sa iyong anak. Sundin ang mga partikular na tagubilin ng iyong tagapangalaga.
Mga sukat ng lagnat para sa sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kilikili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
Mga sukat ng lagnat para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit, noo, o tainga: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Kilikili: 101°F (38.3°C) o mas mataas
Tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan sa mga kasong ito:
-
Temperatura na paulit-ulit na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na 100.4° F (38° C) o mas mataas sa sanggol na mas bata sa 3 buwan
-
Lagnat na tumatagal ng lampas sa 24 na oras sa batang wala pang 2 taong gulang
-
Lagnat na tumatagal ng 3 araw sa batang 2 taong gulang o mas matanda