Deep Vein Thrombosis (DVT)
Nangyayari ang deep vein thrombosis (DVT) kapag nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa isang malalim na ugat. Kalimitang nangyayari sa binti. Maaari din itong mangyari sa mga braso o iba pang bahagi ng katawan. Maaaring kumalas ang isang bahagi ng pamumuo na tinatawag na embolus at pumunta sa mga baga. Kapag nangyari ito, tinatawag itong pulmonary embolism (PE). Isang medikal na emergency ang PE. Maaari nitong putulin ang daloy ng dugo at humantong sa kamatayan. Malapit ang kaugnayan ng DVT at PE. Magkasama, madalas tinutukoy ang mga ito sa salitang venous thromvoembolism (VTE).

Mga dahilan ng panganib para sa DVT
Maaari kang mas madaling magkaroon ng DVT dahil sa anumang nagpapabagal sa daloy ng dugo, pumipinsala sa lining ng isang ugat, o pinatataas ang pamumuo ng dugo. Kasama rito ang sumusunod:
-
Mahahabang panahon na walang paggalaw (gaya ng kapag umuupo sa loob ng maraming oras sa isang pagkakataon o kapag nagpapagaling mula sa malaking operasyon o sakit)
-
Estrogen (hormone ng babae) therapy, tulad ng hormone replacement therapy (HRT) o mga pildoras na pangkontrol sa pagbubuntis
-
Nabaling balakang o binti
-
Malaking operasyon o pagpapalit ng kasukasuan
-
Malubhang trauma o pinsala sa gulugod
-
Kanser
-
Kasaysayan ng pamilya
-
Sobrang timbang o labis na katabaan
-
Paninigarilyo
-
Katandaan
-
Dating kasaysayan ng DVT
-
Mga karamdamang pamumuo na namamana
Mga sintomas
Hindi laging nagdudulot ng mga sintomas ang DVT. Kapag talagang nangyari ang mga sintomas, maaaring lumabas ang mga ito sa paligid ng lugar ng DVT, gaya ng sa binti. Kasama sa mga posibleng sintomas ang:
Pangangalaga sa tahanan
-
Malamang na niresetahan ka ng mga pampalabnaw ng dugo (mga anticoagulant). Maaaring ibigay ang mga ito bilang mga tableta (iniinom) o mga turok (mga iniksyon). Sundin ang lahat ng tagubilin kapag ginagamit ang mga gamot na ito. Tandaan: Huwag uminom ng mga pampanipis ng dugo kasama ang iba pang gamot, mga remedyong halamang gamot, o mga suplemento nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong tagapangalaga. Maaaring makaapekto ang ilang gamot o produkto sa kung paano gumagana ang mga pampalabnaw ng dugo.
-
Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga tungkol sa gawain at pagpapahinga.
-
Kung inireseta ang mga suporta o compression stocking, isuot ang mga ito ayon sa itinagubilin. Maaari makatulong ang mga ito sa pagpapahusay ng daloy ng dugo sa mga binti.
-
Kapag umuupo o humihiga, igalaw ang iyong mga bukung-bukong, mga daliri sa paa at mga tuhod nang madalas. Maaari din itong makatulong na mapahusay ang daloy ng dugo sa mga binti.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo. Kung may ginawang mga imaging test, maaaring kailangan ng mga ito ng karagdagang pagsusuri ng isang doktor. Sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Bago o nadagdagang pamamaga, pananakit, pangingirot, mainit, o pamumula, sa binti, braso, o iba pang bahagi
-
Dugo sa ihi
-
Pagdurugo habang dumudumi
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Pagdugo mula sa ilong, mga gilagid, isang hiwa, o puwerta
-
Malakas o hindi kontroladong pagdurugo
-
Hirap sa paghinga
-
Pananakit ng dibdib o kawalang-ginhawa na lumulubha kasabay ng malalim na paghinga o pag-ubo
-
Pag-ubo (maaring umubo ng dugo)
-
Mabilis na tibok ng puso
-
Pamamawis
-
Kabalisahan
-
Pagkalula, pagkahilo, o pagkahimatay
Online Medical Reviewer:
Deepak Sudheendra MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.