Kettering Health Network
Kettering Physician Network
Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Paglabas para sa Pagkakunan

Ikaw nagkaroon ka ng kunan. Ito ang hindi planadong pagtatapos ng pagbubuntis bago mabuhay ang sanggol sa labas ng matris. Maaari mong maramdaman ang isang roller coaster ng mga emosyon pati na rin ang mga pisikal na sintomas habang gumagaling ang iyong katawan. Maaaring tumagal ng ilang linggo hanggang isang buwan o higit pa upang pisikal na mabawi depende sa kung gaano kalayo ka na sa pagbubuntis.

Pangangalaga sa bahay

Ang mga mungkahi para sa pangangalaga sa bahay ay kinabibilangan ng:

  • Bumalik sa iyong pang-araw-araw na gawain kapag handa ka na. Ito ay maaaring kaagad, o baka gusto mong maghintay ng ilang mga araw.

  • Maligo sa shower sa halip na maligo sa mga tub bath. Nakakatulong ito na maiwasan ang impeksiyon. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan  kung kailan ka maaaring maligo muli.

  • Huwag agad gumawa ng anumang mabigat na ehersisyo, tulad ng aerobics o pagtakbo. Maghintay hanggang sa bumagal ang pagdurugo hanggang sa normal na panahon.

  • Huwag makipagtalik, gumamit ng mga tampon, o maglinis gamit ang douche hanggang sa ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ay magsabi na ito ay OK lang.

  • Makipag-ugnayan sa mga pinakamalapit sa iyo para sa pang-unawa, ginhawa, at suporta. Bigyan ang iyong sarili ng oras na kailangan mo upang magdalamhati sa iyong pagkawala. Tanungin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga grupo ng suporta sa iyong lugar. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa iba na nagkaroon na ng pagkakunan.

Pag follow-up

Gumawa ng follow up appointment sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, gaya ng ipinapayo.

Kailan tatawagan ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan

Tawagan ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o kumuha kaagad ng pangangalagang medikal kung nangyari ang alinman sa mga ito:

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas o ayon sa payo ng iyong provider

  • Panginginig

  • Matingkad na pulang pagdurugo sa ari o isang mabahong discharge

  • Pagdurugo ng ari na bumabad ng higit sa isang menstrual pad kada oras

  • Pananakit ng tiyan na matindi o lumalala

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by StayWell
About StayWell